Wednesday, May 26, 2010

Bakit tayo ganoon?

Bakit ganoon? Kahit saan may mga Pilipino, hindi nawawala ang mga naninira ng kapwa Pilipino. Kapag mayroon tayong kababayan na medyo nakakaangat, ang iba ay naiinggit. At ito ang pinagmumulan ng paninira at pangtsitsismis sa taong iyon. Bakit hindi mawala ito sa ugali natin? Bakit sa halip na tayo ay magtulungan dahil parepareho tayong nasa banyagang lupain, tayo pa ang nagsisiraan? Lahat tayo ay may iisang dahilan kung bakit  nasa ibayong dagat tayo. Ito ay dahil gusto nating kumita ng mas malaking pera, pero ewan ko kung bakit maraming mga taong ganyan. Mga makasarili at mayayabang, gusto nila,  sila lang  ang umangat ang buhay. Bakit hindi natin kayang ngumiti sa tagumpay na nakamit ng ating kababayan, bakit may mga namamatay sa inggit. Dahil ba sa tinatawag na crab mentality, kaya tayo ganoon? Dahil ba ayaw nilang malampasan ng iba ang kayamanan nila? Bakit pera lang ba ang mahalaga dito sa mundo? Paano naman ang pakikisama , paano naman ang damdamin ng mga taong sinasaktan? Hoy pwede ba tigilan na ninyo ang pagiging CBN( chismosa, bungangera, nagger) ngumiti ka naman sa kapwa mo Filipino. Tigilan mo na ang paninira mo dahil ang sinisira ay  may puso din. Hindi mo lang alam kung paano siya nasasaktan sa bawat paninira mo. Tumigil ka na pwede ba? Paano naman kung ikaw ang siraan at nakarating sa iyo ang mga tsismis tungkol sa iyo? Matutuwa ka ba? Makakangiti ka pa ba?

No comments:

Post a Comment

Featured Post

PANCIT MALABON